Mamang Kulog

May bago kaming imaginary villain sa bahay. Si Mister o Mamang Kulog na nangunguha ng mga batang ayaw uminom ng gamot. Nabuo siya sa pambobola na nauwi sa pananakot para inumin ni Jacinto ang gamot niya. Dahil panay ang kulog, epektibo ang pananakot.

Mama/Mister Kulog

Sinasabing nangunguha ito ng mga bata. Ang kulog ay hudyat ng kaniyang pagdating. Kapag ayaw uminom ng bata ng gamot, magpaparamadam ito. Kailangan lang tumingin ng isang magulang sa bintana habang tinatanong ng isa kung nariyan na si Mister Kulog:
Nanay: Tatay, silipin mo nga sa bintana si Mister Kulog
Tatay: (habang nakasilip sa bintana) Naku, paparating na si Mister Kulog!
Nanay: Ano ang sinasabi niya?
Tatay: May bata raw bang hindi umiinom ng gamot dito.
Nanay: Naku, sabihin mo, wala.  Iinumin na ni Jacinto ang gamot niya. (bubulong kay Jacinto) Dali, anak! Ubusin mo na ang gamot.
Tatay: Lumalapit na si Mister Kulog!
Nanay: Paalisin mo! Hindi na niya kailangang pumunta dito at mauubos na ni Jacinto ang gamot niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s