Ikiran Sa Makiling

1

Kahapon, idinaos ang Ikiran sa Mataas na Paaralan ng Filipinas para sa Sining. Ang Ikiran ay isang serye ng linangan na inumpisahan ng Gantala Press. Layon nitong magbahagi ng iba’t ibang kaalaman at kasanayan sa sining. Ang nagbibigay ng mga linangan ay babae at miyembro ng Gantala, isang grupong naglalathala ng mga akdang tungkol at para sa mga kababaihan (cis at trans). Bilang pakikiisa ng aming paaralan sa grupo at bilang paraan ng pagdiriwang sa Buwan ng Wika at Buwan ng mga Akdang Pinoy (kasama na rin ang ibang sining kung saan nanahan ang wika), dinala ang Ikiran sa paaralan. Katuwang ng Gantala ang mga mag-aaral ng Malikhaing Pagsulat, tatlo rito ang nagbigay rin ng linangan.

Ipinagmamalaki ko ang mga mag-aaral ng Malikhaing Pagsulat na sina Amber Garma, Ma-i Entico at Lora Noreen Domingo dahil pumayag silang gawin ito. Ikalawang beses na nilang maghandog ng linangan para sa school year na ito. Nais pa nilang masundan ang Ikiran dahil natutuwa sila sa prosesong pinagdaraanan nila (na hindi madali) at siguro’y sa pakiramdam na naibabahagi nila kung ano ang mayroon sila.

2

Simple lang ang layunin ko nang una kong maisip na bumuo ng ganitong programa (TrendLit ang una naming attempt, mula kay Amber ang title). Nais ko lang noon na marinig nang mas maraming tao ang kanilang ideya at pananaw sa mga isyu at problema sa lipunan at panitikan. Sa loob kasi ng silid aralan, nagiging ibang tao sila (o mas mainam sigurong sabihin na naipakikita nila kung sino talaga sila). Yaong pagka”taong” iyon ang nais kong makita nang mas marami pang tao. Sigurado kasi akong mahihikayat nila ang ibang batang tignan sa ibang paraan ang panitikan kung may lunsaran o venue sila.

Sa paglulunsad ng lecture series na nakatuon sa basic principles and elements, nalalaman ko ang stand ng aking mga mag-aaral; kung alin sa mga tinuturo ko ang sinasang-ayunan at kinokontra nila (na lagi kong hinihikayat dahil alam naman natin na hindi titser lang ang may kakanyahang magbahagi at magkaroon ng opinyon); kung nasaan na ba sila sa mundong ginagalawan namin, kung gaano kahaba pa ang pasensya, karami ang magagawa at kalawak ang kaalaman at gustong malaman.

Siyempre, dapat din banggitin ang aming katuwang sa pagbuo ng programa. Sila ang nagpakilala sa Gantala Press, sa Ikiran at sa mga speakers. Bukod doon, sila rin ang naghanda ng mga equipment na kakailanganin at tumulong sa pagbuo ng workshop kits at iba pang trabaho para maging maayos ang aktibidad. Si Soleil Cruz ang katuwang ni Vivian Nocum Limpin sa Photography Workshop. Si Bea Zafe naman ang kasama ni Janine Go Dimaranan sa Publishing Your Art: The Alternative in Alternative Publishing. Si Maura Yap ang kasama ni Bebang Siy at Nikki Ramos sa Copyright Seminar. Grade 8 naman ang naging katuwang ng mga Grade 10 and 11 workshop facilitators; si Leila Maligalig para sa Poetry, Bianca Rabe sa Creative Nonfiction, Danielle Castillo at Meg Mil sa Fiction Workshops.

Humigit kumulang na 140 mag-aaral ang inasikaso namin sa hapong iyon. Maraming salamat sa mga mag-araal at pagbati!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s