Janus Silang at Ang Labanang Manananggal-Mambabarang

IMG_0796

Iba na ang mundo ni Janus sa ikalawang libro. Dito na niya malalaman ang kasaysayan ng mga nilalang tulad ng bagani, pusong, manananggal, mambabarang at iba pa. Nakatira na ngayon si Janus sa mansyon ni Manong Joey at may iba na siyang mga kaibigan dito. Nag-umpisa ang kuwento sa isang misteryo: may nasirang matagal nang nakalagay sa mansyon. Maraming rebelasyon tulad ng kapangyarihan nila Miro at Mira at mga nakaraan ng mga kasama niya. Paborito ko ang pagkakabuo ng siyam na daigdig at paglikha ng mga nilalang.

Hindi ko alam kung paano nagagawa ng manunulat ang bumuo ng ganitong nobela sa loob ng ilang buwan. Siguro ay pusong rin na nagpapalit ng anyo kapag nagsimula na itong tumipa o bagani na kayang gumawa ng mapa sa kaniyang utak. Nakagagawa ito ng malinaw na imprint ng mga karakter at parang database ni Manong Joey na pinipili lang ang iniimbak sa kaniyang isip. Sinasala lang niya ang kailangan niya, hindi siya naglalagay ng patibong sa mga mambabasa kung hindi ito kailangan. Ang bawat hint ay piling-pili at yaong makatutulong lang sa daloy ng kuwento.

Minsan tatahimik ang nobela, at tila isa sa mga Matatanda ang maririnig kapag nagsasalaysay ito. Madalas, maririnig si Janus, nagtataka, nagluluksa, kinikilig at inosente sa kabila ng mga nangyayari at nangyari sa kaniya. Ang sarap ulit ulitin ng nobela.

Nagustuhan ko rin ang kuwento ni Ester. Matagal na akong naghahanap ng ibang anggulo o kuwento tungkol sa mga nilalang na tulad ni Ester. Madalas ay puro negatibo lang ang nababasa ko tungkol sa kanila ngunit may ibang pananaw at kasaysayang pinasilip sa nobela.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s