Gantala Press

Nagsimula ang ideya bilang FB status. Nagtanong si Faye Cura kung sino-sino ang sasama sa kaniya kung magtatayo siya ng isang independent press para sa mga babae. Ang mga tumugon sa kaniyang tanong ay nagkaroon ng Grand Eyeball (chos!) sa Uno Morato Bookstore kung saan nabuo ang pangalang Gantala o spool. Unang proyekto’y maglabas ng isang antolohiya. Naglabas kami ng mga panawagan at tinulungan kami ng mga mag-aaral mula sa Philippine High School for the Arts:

Screen Shot 2016-04-30 at 6.34.48 AM

Sa Likha Diwa namin pinag-usapan ang layunin at iba pang prosesong kailangang pagdaanan ng organisasyon para lehitimo itong makapaglathala. Sa loob ng ilang buwan ay nagawa ni Faye Cura at Janine Dimaranan (mga editor ng antolohiya) na salain ang mga akda. Dahil sa kanila’y mayroon na kaming manuskrito na tatawaging Danas. Sumunod na proyekto ay ang paghahanap ng pondo para mabayaran ang mga contributors. Kaya’t nagpulong muli, at nabuo sa bahay ni Bebang Siy ang Ikiran Workshop Series. Malaki rin ang pasasalamat ng Gantala Press sa Uno Morato.

12898289_1247167188644074_6243834676522580345_o

Kinailangang baguhin ang mga petsa ng mga linangan dahil kakaunti ang nagpatala. Sa bilang ng nagpatala sa Basic Creative Writing Workshop ay kalahati lamang ang pumunta. Ang kagandaha’y natutukan naman ang mga akda ng bawat kalahok.

IMG_0556

Kanina’y Basic Photography naman ang idinaos ng grupo. Maganda ang daloy ng talakayan, maraming tanong ang mga kalahok at maraming ibinahaging kwento ang mga larawan ni Beng.

IMG_1556

Susunod naman ang workshop ni Bebang Siy sa ika-15 ng Mayo.

13094316_1194775130534068_4448083065686640328_n

Nakatutuwa ang mga nangyayari sa maliit na grupo, sa maliliit na paraa’y nakabubuo kami ng mga payak na proyekto. Malaki rin ang ambag ni Faye Cura, siya ang editor, social media manager, sumasagot sa mga inquiries sa workshops, siya ang naghahanap ng venue, at patuloy na gumagawa ng iba pang grunt work. Sa madaling salita’y punong-abala! Mabuti na lang at kasama niya si Tere (na gumawa ng posters) at syempre marami pang ibang miyembro na patuloy na tumutulong.

Maaaring dalhin ang Ikiran Workshops sa inyong paaralan o komunidad. Padalhan lang kami ng imbitasyon sa gantalapress@gmail.com 

Gantala Press is an independent feminist press dedicated to publishing creative works by cis and trans women writers and artists in the Philippines.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s