Sining sa Eskwela

Ito ang larawan ng mga chapbooks na sinulat at ginawan ng disenyo ng mga guro mula sa Calbayog, Samar. Inilunsad namin ito para sa huling araw ng Sining sa Eskwela, ang limang-araw na linangan ng Cultural Center of the Philippines (CCP) para sa pagtuturo ng sining. Proyekto ito ng CCP, City Arts Council Office of Calbayog (CACO), Department of Education at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

12963394_1150235551663073_2933011759349594736_n

Sa loob ng limang araw ay nag-aral kami ng mga sangkap ng tula, dagli, sanaysay, rebisyon at simpleng layout. Lahat ng kanilang ginawa ay kanilang nilagay sa kaniya-kaniyang DIY chapbook na inilunsad namin sa huling araw. Nagkaroon ng readings sa aming paglulunsad na isinabay rin sa exhibit ng Visual Arts group. Tinawag namin itong Bulawan, ang local term para sa ginto.

Narito ang larawan ng aking mga nakasama sa Sining sa Eskwela (SSE). Sina Eva Mari Salvador para sa K12 Arts and Design Track Training, si Ronnie Mirabuena at Al Garcia para sa Katutubo’t Kontemporanyong Sayaw, si Christina Joy Mendoza para sa Teatro, si Marc Vincent Cosico para sa Sining Biswal, si Phillip Mabunga para sa Musika at si Lino Matalang Jr para sa Media Arts. Ako naman ay nagturo ng Malikhaing Pagsulat.

 

Ang ganda ng wikang Waray. Ang ganda ng mga akda ng mga kasama kong guro lalo pa at ang iba sa kanila’y mga premyadong makata na (o nakasama na sa Lamiraw). Hindi ko makalimutan ang mga tula at dagli ni Teacher Sendong, isang Math teacher na ang libanga’y magsabong. Maganda rin ang sanaysay ni Teacher Sarah May. Sumulat siya ng isang mini biography na umikot sa themes at strategies sa online game na Clash of Clans. Maraming magagandang tanaga tungkol sa Matandang Ginto (isang alamat sa Calbayog) at Biringan, mga dalit tungkol sa tinapa (ginto rin ang kulay) at sa Tarangban Falls.

Ang tiyaga ng mga guro at napaka-positibo ng mga ugali nila kahit na maraming nangyayaring nakapamanlulumo sa paligid nila. Ang assistant kong scholar ay nagbahagi ng ala-alang binaril ang kanyang matalik na kaibigan habang naglalaro sila ng sumpit. Ang isang guro nama’y may kapatid na pinaslang. Mayroon namang namatayan ng mag-aaral dahil sa ligaw na bala. At nang umalis na ako doon ay nabalitaan kong sunod-sunod ang pamamaril sa Calbayog dahil pa rin sa politikang may kaugnayan sa parating na eleksyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s