Womban

on

Womban

Dito nanirahan si Jacinto sa loob ng siyam na buwan. Hindi na ganito ang katawan ko ngayon. May tahi na, may peklat. Sabi ng aking doktor, ang peklat daw ang pinakamatibay na balat. Ang gandang palatandaan. Pinakamatibay ang nanay sa harap ng kaniyang mga anak, pinakamatibay ang pagmamahal ng isang ina.

Hindi na babalik ang dating kong katawan pero okay lang kasi masayang-masaya ako sa bago. Okay lang kasi naranasan ko na ang mabuntis at pinakamaganda ako noong nagdadalang tao. Tinitignan ako ng may respeto, pagmamahal at paghanga. Inaalalayan ako ng mga tao, binabati, pinapauna. Hindi na babalik ang dating katawan pero okay lang, dahil pinakamaganda ang babae kapag nagdadalang tao.

Magbabago pa ang katawan ko. Maaaring mabanat, pumayat pa, lumapad, tumaba. Madalas, ang katawan ng ina ay umaayon sa pangangailangan ng anak. Kaya nasasaktan ako kapag hindi nirerespeto ang bago kong katawan, dahil alay ko ito sa aking anak, sa aking pamilya.

Itong post na ito ay para sa darating pang pagbabago sa tirahan na pinakamatibay at pinakamaganda: ang katawan ng ina.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s